Tandaan: Sa pasingko-singko, may piso. Sa papiso-piso, may isang libo!

Ano ang Negosyong Magandang Pasukan?

Posted: April 25th, 2012 | Author: | Filed under: (01) PeraTips, (03) Negosyo, (10) Wise Investments | Tags: , , | No Comments »

Kung mayroon kayong balak mag-negosyo, narito ang ilang mga bagay na maari ninyong isaalang-alang upang makasiguro na ang inyong papasuking Negosyo ay may patutunguhan.

1. Dapat po pumasok kayo sa negosyong alam na alam na niyo.  Halimbawa, kung magaling kayong magluto ng pagkain, pumunta kayo sa carinderia business.  Kung magaling kayo mag-process ng tosino o langgonisa, pumasok kayo sa food processing business.  Kung magaling kayong mag-bake ng cake o tinapay, pumunta sa bakeshop business.  Kung magaling kayong mag-alaga ng manok o baboy o anumang hahuypan, pumunta kayo sa livestock business.  Kung magaling kayo magsulsi, pumunta kayo sa dress-making business.  Huwag kayo papasok sa negosyo na wala kayong alam doon at aasa kayo sa alam ng ibang tao o ka-partner.  Baka lokohin lang niya kayo dahil alam niyang umaasa lang kayo sa kanya.

2. Pumasok kayo sa negosyo na may sapat kayong puhunan.  Huwag kayong umutang.  Mag-ipon muna.  Kung hindi pa kayang bumili ng jeepney, bumili muna ng tricycle.  Kung hindi pa kayang bumili ng tricycle, bumili muna ng padyak.  Kung hindi pa kayang mag-restaurant, mag-carinderia muna, kung hindi pa kayang mag-carinderia, magbenta muna ng balot-balot (kanin na may adobo na may kamatis at nakabalot sa dahon ng saging at ibenta sa bangketa o i-deliver sa mga opisina)

3. Dapat suportado kayo ng asawa at mga anak sa negosyo niyo para hindi nila kayo aawayin at puede silang tumulong.  Kung suportado kayo ng mister niyo, puede siguro kayo humingi ng konti pang puhunan.  Tandaan na ang negosyo ay kumakain ng oras.  Mababawasan ang oras niyo sa pag-aalaga kay Mister at mga anak.

4. Huwag kayo pupunta sa negosyo na napakarami na nang gumagawa noon.  Kung marami nang sari-sari store sa lugar niyo, huwag na kayong magtatayo ng isa pang sari-sari store.   Baka magpapatayan lang kayo, halos wala namang tubo, at paglalaruan lang kayo ng mga kapitbahay na uutangan kayong lahat at hindi naman nagbabayad.  Parang pinamimigay niyo lamang ang inyong produkto sa kanila

5. Huwag kayong magnenegosyo na puro pautang ang benta.  Dapat cash sales ang negosyo.  Huwag kayo masyadong magpapautang.  Kung magpapautang man kayo, dapat ay kilalang-kilala niyo iyong pauutangin niyo na may ugali talaga siyang nagbabayad at dapat ay pipirma siya ng promissory note na magbabayad siya sa taning na petsa.  Kung hindi niyo pa masyadong kilala iyong tao, huwag na huwag niyong pauutangin kahit magmakaawa pa siya dahil tatakbuhan lang kayo at magdurugo ang inyong puso.

6. Huwag kayo masisilaw sa pangakong malaking bayad o malaking kita o malaking interes o malaking tubo.  Maraming manloloko sa mundo.  Pag masyadong malaki ang ipinapangakong tubo o interes, malamang na mga swindler iyan.  “Pag malaki ang tubo, malaki rin ang panganib.  Nakikita ng isda ang pain, hindi niya nakikita ang kawit”

7. Tumutok kayo sa negosyo niyo.  Huwag niyong iiwan sa kamay ng iba, kahit mga anak pa iyon.  Baka ubusin lang nila ang mga paninda niyo.  Kung iiwan niyo man sa ibang tao ang inyong negosyo, siguraduhing kilalang-kilala niyo ang taong iyon na hindi iyon magnanakaw o kukupit ng benta o produkto niyo. May kasabihangChino: “Kahit magkakapatid ay dapat may maingat na kwentahan.”   Ang negosyo ay negosyo.  Hindi pinamimigay ang benta o produkto.  Kung naipon na niyo sa bangko ang pera, at gusto niyong tumulong sa mga taong nangangailangan, puede na magbigay.  Pero hindi puedeng pera sa negosyo ang ibibigay mong tulong sa ibang taong palahingi at pala-asa.  Umiwas sa mga taong masyado palahingi o pala-asa,

8. Mag-ingat kayo sa mga magnanakaw, mangungutang at manloloko.  Maging matalino kayo sa pagpapatakbo ng negosyo.  Maging alisto.  Maraming naiinggit.  Maraming mga taong tamad na gusto lang makahingi, o makalibre at ayaw magtrabaho.  Ayaw magbanat ng buto.  Huwag niyong kaaawaan ang mga taong tamad.  Sabi ng Biblia, “Ang ayaw magtrabaho ay dapat huwag pakainin.”

9. Huwag dapat kayo maging ningas-kugon sa negosyo.  Kung magnenegosyo, seryosohan po iyan.  Kailangan ay tutok tutok!  Dapat kayo ang nagbibilang ng benta.  Kayo lamang ang hahawak ng pera.  Huwag ipapaubaya sa iba ang pera.  Lahat ng tao ay natutuksong magnakaw kahit pa anak o asawa iyan.  “Kapag bukas ang kaban, nagkakasala banal man.”

10. Bugbugin sa panalangin ang inyong negosyo.  Ialay niyo sa ating Dios ang ating negosyo.  Siya ang gawing may-ari.  Tayo ay mga empleyado lamang niya.  Huwag kayo magiging mayabang o hambog kapag pinagpala na ang inyong negosyo.  Laging maging mapagkumbaba.  Laging mananalangin.  Laging tatawag sa Dios.  Laging may takot sa Dios habang nag-nenegosyo.  Ang negosyo ay regalo lamang ng Dios sa iyo.

 


Networking Business! Oooooows?!?

Posted: March 6th, 2012 | Author: | Filed under: (01) PeraTips, (02) Liham ng Taga-pakinig, (03) Negosyo, (06) OFW Remittance, (10) Wise Investments, Networking Business | Tags: | 5 Comments »

Naimbitahan ka na ba na dumalo sa mga networking business? Iniisip mo ba na sumali dito? Ooooops, teka, basahin at usisain mo muna ang mga posibilidad ng iyong pagsali. Nitong linggo ay nakatanggap ako ng liham mula kay Bro.Joey ng Riyadh, KSA. Ansabi niya:

Ask ko lang po kung totoo ba na lahat ng mga networking business eh scams…di po ba dapat makijoin ang mga Christians sa business na ganito. thanks !

Bro Joey, salamat sa iyong tanong.

Ang sagot ko ay batay sa masamang karanasan ng maraming taong nakapanayam ko na nasama sa mga multi-level marketing at networking businesses.

Sa aking palagay dapat mag-ingat ang mga Cristiano sa mga negosyong ganyan.  Sabi ni Jesus, “Isinusugo ko kayo na tulad ng mga tupa sa gitna ng mga asong gubat. Kaya maging matalino kayong tulad ng ahas subalit inosenteng tulad ng kalapati.” (Mateo 10:16)

Ang anumang “negosyo kuno” na ang gusto ng owner ay akitin tayong magbigay o mag-”invest” ng ating pera sa kanila at sila na raw ang bahala ay nakakatakot.  Maaari nilang itakbo ang ating perang pinaghirapan.
Marami pong manloloko ngayon dahil sabi ni Apostol Pablo sa huling araw marami ang magiging mapagmahal sa pera.  Kaya natutukso sila manloko ng kapwa dahil sa kanilang pagmamadaling yumaman nang ayaw naman magtrabaho ng may kasipagan.  Nagiging tuso ang mga taong ito kung paano kikita sa pawis at pinaghirapan ng ibang tao.  Gusto nilang pagkakitaan ang maraming taong may pera, lalo na ang mga kawawang OFW.

Karamihan (kung hindi man lahat) ng mga networking businesses ay humihingi ng “participation fee” o “application fee” o “recruitment fee” para makapasok ka kuno sa kanilang business.  Tapos, pinag-re-recruit ka pa ng maraming mga kaibigan mo para magbayad din ng “recruitment o application fee”.  Sa mga application fee na iyan, kakaltas ng porsye-porsyento ang owner, top managers at recruiter.  Kaya kumikita sila sa mga perang binabayad ng mga bagong recruit.  Yumayaman sila sa pawis o sebo ng mga kawawang bagong recruit.  Darating ang panahong wala nang ma-recruit, bigla silang mawawala, magtatago ng ilang taon, tapos babalik na naman sa ibang pangalan at manololoko na naman ng ibang tao.  Hindi mo na makukuhang muli ang mga investment at application fee mo.

Para magmukha silang legitimate business, mayroon kunwari silang produkto – it doesn’t matter what product it is, kasi hindi naman sila talaga kumikita sa benta ng produkto kundi sa kaltas sa application fee.  Ang mga produkto nila ay sobrang ang mamahal ng presyo kahit hindi naman kilala ang pangalan at wala naman silang masyadong marketing o advertisement costs.  Kaya ganyan kamahal ay dahil meron na naman silang porsyento sa benta ng bawat produkto.  Ang pilosopiya nila ay – para sila yumaman ng mabilis, dapat ay pagkakitaan nila ang maraming taong tanga; pagtatatrabahuhin nila ang maraming tao, pagbebentahin nila sila, pagre-recruit-in nila sila at sa bawat pawis ng mga taong ito na para nilang alipin, ay dapat daw kikita sila ng pera.  Sa aking palagay ay inaalihan sila ng masamang espiritu ng kasakiman, kasinungalingan at panloloko.

Lumayo tayo sa mga taong ganyan.  Magtrabaho tayo ng may excellence o kaya magnegosyo tayong tunay.  Ano ang tunay na negosyo?  Ito: may pangangailangan ang mga tao at mayroon kang produkto o serbisyo na high quality na kailangan nila at tapos magpapalit kayo – bibilhin ng customer ang produkto o serbisyo mo at magbabayad sila ng pera bilang kapalit.  Sa pamamagitan ng iyong sipag at tiyaga, pag-iimpok o disiplinang pinansyal, at excellence sa gawain, at patnubay ng Panginoon, unti-unti kang yayaman na walang nilokong tao.  “He who gathers money little by little makes it grow” (Proverbs 13:11)

Subalit kung ang isang network marketing o networking business ay hindi humihingi ng application fee o participation fee o recruitment fee at may high quality product o service na competitive at  realisitc ang price,  at sila ay nagpapasueldo sa mga manggagawa ayon sa Labor Code, iyan po ay tunay na business at maaaring tangkilikin ng mga Cristiano.

Ano ang dapat gawin ng OFW para umasenso?

Posted: February 21st, 2012 | Author: | Filed under: (01) PeraTips, (04) Savings, (06) OFW Remittance, (10) Wise Investments | 2 Comments »
“Kung kaya ng iba, bakit hindi natin kaya?” Ito ang katanungang laging bumabagabag sa akin. Kung kayang umasenso ng mga dayuhan tulad ng mga Chino, Bumbay, Koreano, Hapon, Amerkano, at iba pa sa Pilipinas, bakit hindi kaya ng mga Pilipino? Bakit kailangang mag-ibang bansa pa ang maraming Pilipino? Bakit? Sadya bang inferior race ang mga Pilipino? Hindi ko matanggap ito. Kung kaya ng ibang katutubong Pilipino tulad ni Ferdie Gedalanga na dating isang street kid o ni Cris Sabarez na dating iskwater sa Old Balara at ngayon ay kapwa matagumpay na mga negosyante at may sarili nang bahay at lupa, e bakit hindi kaya ng ibang Pilipino?

Sa aking palagay, ang problema ng maraming OFW (gayon din ng marami pang Pilipino) ay kulang sila sa tamang mindset. Sa nakikita ko, may tatlong mindset na kailangang linangin ng mga OFW sa kanilang sarili para sila magkaroon ng pag-asa sa buhay at umunlad kahit na manatili lang sila sa sarili nilang bayang Pilipinas.

Ang unang mindset ay “Stewardship” o “isip-mabuting katiwala ng Dios.” Dapat tayong maging tapat at mahusay na katiwala ng Dios sa lahat ng yaman o ari-ariang binigay niya sa atin. Kasama riyan ang ating kaperahan, kalusugan, kaisipan, pamilya, tahanan, trabaho, negosyo, atbp. Isa sa pinakamahalagang yamang tinakda ng Dios sa sangkapilipinuhan para pangasiwaan ng mabuti ay ang ating bansang Pilipinas. Sabi ni Jesus sa isa niyang talinghaga, siya ang mabuting magsasaka na naghahasik ng binhi sa kanyang lupa. Ang lupa ay ang mundo at ang binhi ay ang mga tao. Si Jesus ang naghasik sa atin dito sa bayang Pilipinas. Hindi aksidente na tayo ay mga Pilipino, lahing kayumanggi, lahing maganda. Magbibigay sulit tayo sa Dios sa paraan ng ating pangangasiwa sa mga yamang binigay niya sa atin. Sa nakikita ko, napakasama ng pangangasiwa ng maraming Pilipino sa sarili nilang bayan. Maraming mga pinunong Pilipino ay magnanakaw sa kaban ng bayan. (Mabuti na lang na ang kasalukuyang Pangulo ay mukhang matapat sa tungkulin. Kasihan nawa siya ng Dios.)

Kung sisiryosohin natin ang ating pagiging “Katiwala ng Dios” sa Pilipinas, magiging mahusay tayo sa pangangalaga at pagpapaunlad ng ating bayan. Ang lahat ng pinunong Pilipino ay dapat maging tapat sa kanilang tungkulin. Lahat ng ordinaryong mamamayan ay dapat maging masipag, malinis, maayos, at tapat magbayad ng buwis. Magtatanim sila ng maraming punong-kahoy. Hindi sila magtatapon ng basura kung saan-saan. Susunod sila sa mga batas. Lahat ng ito ay gagawin nila alang-alang sa Dios na kanilang minamahal.

Naaawa ako sa mga OFW dahil nasa ibang bansa sila, kaya ibang bansa ang pinayayaman nila. At napapabayaan nila ang kanilang sariling asawa at mga anak. Kung ganyan ng ganyan, lalong hihirap ang Pilipinas at nanganganib na mawasak ang pamilyang Pilipino. Kikita nga sila ng pera, pero nagwawala naman ang asawa nila at nasisira ang pag-uugali ng kanilang mga anak. Sa aking palagay, hindi kalooban ng Dios na magkahiwalay ang mag-asawa at mapabayaan ang mga anak. Kung lalabag tayo sa kalooban ng Dios, tiyak na may masamang ibubunga iyan. Lagot tayo.

Ang pangalawang magandang kaisipan na dapat linangin ng mga OFW ay ang “isip pag-iipon.” Huwag dapat gagastusin ng OFW ang lahat ng kanyang kita. Dapat ay mayroong ipon. Hanggat hindi nag-iipon ang OFW, ang anumang sueldo niya ay di sasapat. Hindi ang sueldo ang nagpapayaman sa tao, kundi ang ipon na nanganganak ng husto. Ang karaniwang OFW ay tulad ng isang sisidlang (container) maraming butas. Gusto sana nilang punuin ng tubig ito, ngunit lahat ng kanilang ipinapasok ay lumalabas. Subalit hindi makita ni OFW ang sanhi ng kanyang problema. Ang kanyang iniisip, “Hindi ako nakakaipon dahil masyadong maliit ang pinagmumulan ko ng tubig.” Ngunit kahit bigyan mo pa siya ng malaking pagmumulan ng tubig (kahit pa kasing laki ng subdivision water tank), hindi pa rin mapupuno ng tubig ang kanyang sisidlan sapagkat butas-butas nga. Lahat ng pumapasok ay lumalabas. Kailangan magkaroon ang OFW ng “financial discipline.”

Ang aking paniwala ay ito: Ang marunong, maraming ipon; ang mangmang, maraming utang. Dapat praktisin ng OFW ang “10:10:80 formula.” Pagdating ng kanyang sueldo, ang unang 10% ay dapat ibigay niya sa Dios para lalo siyang pagpalain. Ang ikalawang 10% ay dapat niyang ipunin at paanakin nang paanakin. Ang ipon ay kutson na sumasalo sa mga dagok ng buhay. Ang huling 80% ay para sa kanyang pang-araw-araw na gastusin. Dapat pagkasyahin niya ang kanyang lifestyle sa 80% ng kanyang kita. Ang sabi ng isang salawikain, “Kung maigsi ang kumot, matutong mamaluktot.”

Ang pangatlong magandang kaisipan na dapat linangin ng OFW ay ang “isip-entrepinoy.” Ang Pilipino ay dapat maging mahusay sa pagnenegosyo. Ang pamamasukan ay maganda rin sapagkat malinis na trabaho iyan; pero iyan ay pagdadagdag (addition) lamang ng kita, samantalang ang pagnenegosyo ay pagpaparami (multiplication). Bakit ang batang Tsino, pagka-graduate sa High School, ang unang tanong ay, “Anong negosyo ang itatayo ko?” Samantala, ang batang Pinoy, pagka-graduate sa kolehiyo, ang unang tanong ay “Saan ako hahanap ng trabaho?” Bakit? Sadya bang pang-empleyado lang ang Pinoy? Talaga bang ang mga Pilipino ay pawang alila sa sarili nilang bansa at ang mga dayuhan lang ang may karapatang yumaman at mag-ari ng ating ekonomiya? Hindi tama ito! Ang Pilipinas ay para sa lahing Pilipino!

Tatlo ang uri ng negosyo: buy and sell o pangangalakal, manufacturing o paggawa ng produko, at service o pagbenta ng serbisyo. Ang pinakasimple ay ang una – pangangalakal. Bibili ka lang ng produkto kung saan mura ang benta nito, at dadalhin mo sa lugar na wala nitong produktong ito at ibenta mo ng may tubo. Kailangan pa bang i-memorize iyan? Kailangan mo ba ng college degree para gawin iyan? Sa totoo lang, wala naman talagang dapat maghirap sa atin kung magiging masipag, matiyaga at marunong lang tayo. May kahirapang bunga ng kaapihan; subalit may kahirapang sila ang may kagagawan.

Sana maraming OFW ang tumulad na lamang sa Matalinong Babae na tinutukoy sa Kawikaan 31: 10-31. Ang babaeng ito ay napakasipag at napakatalino. Hindi siya kailangang mag-OFW para umasenso. Hindi rin niya kailangang magtrabaho sa labas ng bahay. Sa loob ng bahay ay marami siyang produktibong gawain. Mayroon siyang at least 10 home-based enterprises:

1. May buy and sell siya ng wool and flax
2. May food importing business siya
3. May real estate business siya
4. May farming business siya
5. May trading business siya
6. May garments business siya
7. May social work enterprise siya
8. May interior design at fashion business siya
9. May sash exporting business siya
10. May school business siya

Hindi kataka-takang umaasenso siya at pinupuri ng lahat.

Bilang pagtatapos, gusto ko lang idiin na hindi kailangang mag-OFW ang isang Pinoy para umasenso sa buhay. Manatili na lang tayo sa bayang binigay ng Dios sa atin. Maging mabuting Katiwala ng Dios tayo sa lahat ng yaman at ari-ariang binigay niya sa atin. Matuto tayong mag-ipon at magpaanak ng ipon. At huli, pumasok tayo sa maraming home-based businesses. Hindi pa natin mapapabayaan ang ating asawa at mga anak. Iyan ang kapuri-puri sa Dios.

Kuya Rex

[Image credits: http://jayjaylionheart.blogspot.com/2010/07/due-to-poverty-unemployment.html]

Ano ba ang IPO?

Posted: February 6th, 2012 | Author: | Filed under: (02) Liham ng Taga-pakinig, (10) Wise Investments, (13) Stocks | Tags: , , , | No Comments »

Magandang araw kapatid? Kamusta ka na? Nakaka-ipon ka na ba ng pera? Naku, sana ay meron ka nang naitatabi, at syempre, huwag na huwag kalilimutang magbigay ng iyong alay sa Diyos!

Mayron akong natanggap na katanungan mula lay Ezekiel na sasagutin Ansabi niya,

“Sir tanong ko lang po kung ano po ang IPO? Investment po ba ito sa stocks?” 

Hmmmh, magandang katanungan ano?

Ang IPO ay “Initial Public Offering” na ang ibig sabihin ang isang private company na limitado lang ang pag-aari o ownership ng ilang kapitalista ay nagpasyang gawing pampubliko na ang pag-aari sa pamamagitan ng pagbenta ng shares of stocks sa publiko.  Kung dati, 1 o 5 lang ang may-ari ng isang kumpanya, para makakuha sila ng mas malaking kapital para mapondohan nila ang kanilang paglaki o expansion, ginagawa na nilang public corporation ang negosyo para ang publiko na may pera ay maaari na ring maging may-ari ng kumpanyang iyon, kaya maaari nang maging 1,000 ang may-ari.

Ano ba ang IPO? (Larawan mula sa venturebeat.com)

Halimbawa, ang Meralco noong araw ay limited private company.  Ang may-ari ay ang Lopez family lamang .  Subalit nagpasya silang gawing public corporation ang kumpanya noong 1991 nang ipatala nila ito sa Philippine Stock Exchange; kaya puede na ngayong ang ordinaryong mamamayan, kung may pera siya, ay bumili ng shares of stocks sa Meralco kaya nagiging may-ari na rin siya nito.  Dependa sa kita ng Meralco, binibigyan ng kumpanya ang lahat ng maraming may-ari ng dibidendo o kita.
Halimbawa kung may P100,000 pera ka, at bumili ka ng shares of stocks, maaari kang tumanggap ng dibidendong P1000-P5000 sa bawat taon.  Kung minsan naman, sa halip na pera ang dibidendo mo, maaaring ibigay sa iyo ay dibidendong shares, ibig sabihin lumalaki ang dami ng shares na inaaari mo sa kumpanya.  Kung ayaw mo na maging may-ari, puede mong ibenta ang shares mo sa mga gustong bumili.  Pag tumaas ang halaga ng shares mo dahil sa galing ng performance ng kumpanya, iyong P100,000 mong initial kapital na ipinambili ay maaari mong ibenta ng P150,000 o P200,000, depende sa ganda ng presyo ng shares ng Meralco.
Depende sa ganda ng ekonomya ng Pilipinas.  Kung bumili ka ng P100,000 worth of shares sa taon na ito, 2 taon mula ngayon, maaaring maging P200,000 na ang halaga ng shares mo dahil maganda ang takbo ng Meralco at Philippine economy.  Ibenta mo na, may tubo ka nang P100,000.  Pero posible na 2 taon mula ngayon, bumaba ang halaga ng shares sa P50,000 na lang dahil masama ang patakbo ng Meralco at Philippine economy.  Lugi ka ng P50,000.   Kaya parang sugal ang stock market dahil hindi ikaw ang may kontrol ng performance ng puhunan mo kundi nasa kamay ng ibang tao.

Wais bang kumuha ng Insurance?

Posted: January 2nd, 2012 | Author: | Filed under: (01) PeraTips, (02) Liham ng Taga-pakinig, (10) Wise Investments, (12) Insurance | No Comments »

Happy new year sa iyo kapatid! Kamusta ka na? Nakaka-ipon ka na ba? Lumalago na ba ang iyong negosyo? Naku, sana ay magtuluy-tuloy iyan at huwag mong kalilimutang magbigay.

Ngayong araw na ito, susubukin nating sagutin ang katanungan sa atin ng ating taga-pakinig na si Jhoana tungkol sa pagkuha ng mga Insurance. Maganda ang katanungan niy, ano? Swak na swak para sa pagsisimula ng buhay ngayong bagong taon. Eto po ang kanyang sulat:

Gud pm po Bro Rex listener po ako ng DZAS peratips ask lang po ako ng advice regarding Insurance Compamy ok po ba na kumuha ng insurance? Anu-ano po ang mga factors na dapat kong i-consider sa pagkuha nito? Pwede po ba maging topic nyo ito sa Peratips program niyo.Maraming Salamat po GOD Bless!  - Jhoanna Diaz

Hi Jhoanna, maraming salamat sa iyong e-mail question.

Yes, insurance may be a good investment.  But make sure that it is from a reputable, stable insurance company with track record for honesty, corporate strength and professionalism.  For example, I took an insurance from a well-known, strrong company which offered excellent benefits – I was insured for five years, my money earned substantial interest, after five years I got all my investment back with interest and if something happens to me, my child will be given scholarship plus other benefits.  It comes from a very stable insurance company with track record.

But warning: I know some people who started insurance companies, they convinced investors to put in their life savings, then after five years, these unscrupulous people closed down their insurance company and they never returned the investments of their investors.  This is gross dishonesty, a complete fraud and evil swindling scheme.  Now they are running away from the investors who want to sue them.  The investors put in their hard earned money because they were promised enormous interests and profits!!!  Nagahaman sila sa laki ng tubo. Mag-ingat tayo.  Jesus said, “I send you out like sheep among wolves.  Be shrewd as serprents and innocent as doves.”

The Bible says, “Money acquired rashly dwindles away but he who gathers little by little makes it grow.”  A Chinese proverb says, “If the profits are great, the risks are great.”  We should guard against swindlers who want to fool and tempt us with their impossible promised profits and interest.  Let us stay away from the love of money.  Let us be on guard against being in a hurry to get rich.  The Lord may be displeased and allow us to suffer terrible consequences.

In the service of Christ,
Kuya Rex

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...